Saturday, August 11, 2007

Noong panahon na iyon

(ilang taon na ang nakalipas)

Nung [high school] ako may isang kaibigan na nagpakilala sa akin kay (Nathan). Masayang masaya ako nung nakilala ko siya kasi dati pa ako may gusto sa kanya hindi ko lang talaga siya kilala. Kahit sa pangalan hindi ko alam.

Simula nung pinakilala siya sa akin. Naging matalik na kaming magkaibigan. Tumatawag siya sa akin gabi-gabi. Tapos sa eskwela naman kami pa din ang magkausap at magkasama.

Hindi ko naiwasan na lalo akong magkagusto sa kanya. Hindi naman mahirap magkagusto sa katulad ni Nathan.
> Mabait
> Malambing
> Mahilig magpatawa
> Maaalalahanin
> “Gentleman”
Hindi ka pa mahuhulog sa ganung mga ugali?!

Wala akong iniisip na iba tungkol sa relasyon naming. Alam ko naman na kaibigan lang talaga ang relasyon naming. Akala ko walang masisisra sa amin. Iyon pala may iba siyang motibo. Hindi naman masama iyon pero masakit. Kasi May gusto pala siya kay Brooke, isa kong matalik na kaibigan. Magpapatulong pala siya para makilala ng lubos ang kaibigan ko na iyon.

Hindi ako tumangi kasi mabait naman si Nathan at alam kong magiging maganda ang kalalabasan kung sakaling magkatuluyan sila ni Brooke. Nung binanggit niya sa akin ang intensiyon niya kay Brooke ipinakilala ko naman siya kaagad.

Nung nagging si Nathan at Brooke ako naman ay medyo lumayo muna. Umiwas ng konti para walang masabi ang ibang tao kung sobrang malapit pa rin kami ni Nathan. Alam mo naman ang high school madaming malilikot ang isip.

Kahit walang sinasabi si Nathan o si Brooke na lumayo ako nagkusa pa rin ako na umiwas. Hindi naman sobrang iwas. Ayoko lang talagang mag karoon ng istorya sa aming tatlo.

Hindi naman nasira ang pagkakaibigan naming ni Nathan kahit na lumayo ako sa kanya. Yung nga lang tinatawagan na lang niya ako sa bahay dahil dun lang talaga ako nakikipag usap sa kanya ng matino at mahaba.

(^_^)~*~me~*~(^_^)

No comments: